Sa totoo lang, madalas kong nasasabi ang katagang "Sorry Sir, I'm late!" lalo na nung ako'y na sa ika-8 na baitang. Sobra sobra ang aking pagsi-sise na madalas ako naging huli sa pinaka-una naming klase. Alam ko na hindi lamang ako ang nakakaranas ng ganitong pangyayari.
http://943cksy.com/blogs/afternoons/2017/01/weird-excuses-for-being-late/ |
Mayroon akong nakitang hinaing sa isang netizen sa Facebook, at ito ang sinabi niya.
Madalas ang mga nagbigay ng kumento sa kanyang post ay mga estudyanteng pumapasok ng maaga. Hindi ako isa dun, pero nais kong magbigay ng aking mga opinyon patungkol sa kanyang Facebook post.
Unang una sa lahat, naiintindihan ko ang kanyang opinyon. Sa totoo nga lang parang gusto ko ring mangyari ang kanyang sinasabi. Lalo't lalo ng ako ay isang estudyante ring pumapasok ng maaga. Sa kabilang dako hindi naman lahat ng estudyante ay pare-pareho ng kaisipan. Ang iba ay mas natututo kapag mas matagal sa eskuwelahan, ang iba naman ay. tulad nga ng sinabi niya, mas natututo kapag kakaunti ang oras na nagaaral sila sa kanilang paaralan.
http://www.school-clipart.com/school_clipart_images/clipart_illustration_of_a_boy_late_for_school_0527-1305-2115-5004.html |
Kung ako ang tatanungin kung mas pipiliin kong pumasok ng maaga o di naman kaya pumasok ng alas nuebe ng umaga. Siguro mas pipiliin kong pumasok ng maaga, kasi ito ang ating naging kasanayan at lalong lalo na, mas tataas ang tiyansa ng pagka-cut ng classes.
Isinulat ni: Patrick Resuena
No comments:
Post a Comment