Friday, January 12, 2018

Sa Bawat Galaw ng Pinsel

Alamin natin ang modernong pamamaraan ng pag papakita ng sining dito saatin, ano kaya ang pagkakaiba ng sining noon sa sining natin ngayon. Iyan ang isang bagay na inyong malalaman.

Noong mga unang panahon yung mga pagguhit, pagpipinta, paglilok ay hindi hiwalay sa pangaraw araw na kabuhayan natin kaya dun natin makikitang nakapinta at nakaukit yan sa mga Bangka at bahay. Parti siya ng ginagamit sa pangaraw araw, hindi tulad ngayon nang dumating ang impluwensya ng mga Europang sining, nang mas binbigayan ng pansin ang konsepto ng sining kung kaya’t hiniwalay na siya dun sa pang araw araw na gamit. Kaya nilalagay ito bilang disenyo sa kuwarto, sala, at iba pa.


Ang skultura ay hinid na parte ng mga ginagamit katulad sa Bangka o sa bahay kundi hiniwalay na siya ng pag papakita ng sining na likha ng artist sa panahon natin nayon. Ngayon kahit ordinaryng tao makikita nila yung mga ginagawa nila sa mga guhit at pinta ng mga artist. Kaya puwede guamawa ng landscape at puwede ng makakita ng pangaraw araw sa paligid, samantala nung araw hnidi pupuwede yun. Dahil ikinakailangan lamang ay ang pinipinta mo ay tungkol lamang sa mga metolohiya o tungkol sa buhay ng hari Kaya medyo magkaiba. Ngayon mas lamang ang individual expression kaya't masasabi nating mas mayroon siyang kakayahan ipakita ang kaniyang freedom of expression, dito ay mas malaya ang isisp mo na kahit ano ay puwede.
                             



Ngayon tayo ay mas nabibigyan ng pagkakataong makapag isip ng malawakan at mas nagiging maparaan sa pag hahanap o paghahalungkat ng mga iba ibang bagay na maaring gamitin upang maka gawa ng sining. Katulad nalang ng basura na ginawang modelo ng isang artist o bagong klase ng pag pipinta at pag guhit, Nasasaiyo ang pag dala ng sining dahil hinid na kailangan pang piliin ng utak mo ang dapat mong gawin.

Malaki ang nagagawa ng sining satin kaya naman sa paglipas ng panahon ay patuloy ang pagtuklas nila ng makabagong pamamaraan para sa iba’t ibang larangan ng sining gaya nalang ng paggamit ng iba’t ibang gadjet at iba pa.









Narito ang iba sa aking mga sining:




Isinulat Ni: Kyla Loreto

No comments:

Post a Comment