Saturday, January 13, 2018

Laruan

Ang bantaan ng usa at ng north korea sa isat isa na magpaputok ng nuclear bomb ay umani ng takot sa mga mamamayang naninirahan dito. Ang nuclear bomb ay isang uri ng pampasabog na ginagamit upang makapangwasak ng isang malaking lugar, pwde ring itong makapatay ng tao dahil sa pagsabog at sa thermal radiation.
And dalawang pangulo ng nasabing mga bansa ay kulang sa karanasan manuno. Nagbabantaan sila sa social media na para bang laruan lang ang kanilang gagamitin sa pananakot.Nagpapalakasan sila gamit ang verbal para lang sa wala. Ang hindi nila alam isang maling galawa nila ay maaring magdulot ng kamatayan sa kanilang mga tao.

Nababahala na ang mga taong nakapaloob sa mga bansang usa at north korea sapagkat sila ang unang tatamaan kapag natuloy ang mga bantang pagpapasabog ng nuclear bomb.

Sa aking palagay, dapat maging responsable ang mga pangulo sa kanilang desisyon dahil nakapasan ang kanilang bansa saa kanila. Isang maling kilos lang ay maryoong negatibong mangyayari. Laging tatandaan walang panalo sa digmaan



Isinulat ni: Rainier Hatol

No comments:

Post a Comment