Monday, January 15, 2018

Karapatang Pantao: Hindi Dapat Ipagtabuyan

Sapagkat ang pagkilala sa katutubong karangalan at sa pantay at di-maikakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig.
Sapagkat ang pagwawalang-bahala at paglalapastangan sa mga karapatan ng tao ay nagbunga ng mga gawang di-makatao na humamak sa budhi ng sangkatauhan, at ang pagdatal ng isang daigdig na ang mga tao ay magtatamasa ng kalayaan sa pagsasalita at ng kaligtasan sa pangamba at pagdaralita ay ipinahayag na pinakamataas na mithiin ng mga karaniwang tao.
Sapagkat mahalaga, kung ang tao ay di-pipiliting manghawakan bilang huling magagawa, sa paghihimagsik laban sa paniniil at pang-aapi, na ang mga karapatan ng tao'y mapangalagaan sa pamamagitan ng paghahari ng batas.
Sapagkat mahalagang itaguyod ang pagpapaunlad ng mabuting pagsasamahan ng mga bansa. 
Artikulo galing sa http://www.amnesty.org.ph/filipino/ 


http://outlookafghanistan.net/topics.php?post_id=11969


Isa yan sa mga halimbawa na makakapagpatunay na ang kapatang pantao ay hindi masyadong maangat o nasusunod. Ang karapatang pantao ay para sa lahat ng tao hindi ito para lang sa mayaman, wala itong pinipili mayaman man o mahirap dapat lahat ay makaramdam ng karapatang pantao.

Ang karapatang pantao ay dapat masunod hindi dapat to ipagtabuyan. At hindi kakayanin ng ating pangulo ang pag aangat sa karapatang pantao kung hindi tayo tutulong. Para mas mapaangat ang ating Karapatang pantao o Human rights sa ingles kailangan natin tumulong kahit sa simpleng bagay para hindi lang mayaman ang laging panalo, ang mayaman kase kahit na alam nila sa sarili nila na sila ay mali hindi nila aaminin ito dahil alam nila na nakukuha ito sa pagbibigay ng pera sa abugado. Ang simpleng paraan na sinasabe ko ay ang pagsabe ng totoo upang ang karapatang pantao ay umangat o tumindi.

Isinulat ni: Joselle Callora

No comments:

Post a Comment