https://www.aiga.org/achieving-gender-equality-in-design-profession |
Isa pa sa nakikitang problema na maiuugnay sa di pagkapantay-pantay ng oportunidad ay ang mga bakla at tomboy o 'gay' at 'lesbian'.
Bagama't babae at lalaki ang nakasanayan nating uri ng kasarian, marami na ring nalilito o kumukwestyon ng kani-kaniyang sekswalidad. Marami sa mga 'gay' at 'lesbian' ang may abilidad na makipagsabayan sa ganitong klase ng kalakalan ngunit 'di nabibigyan ng oportunidad dahil sa panghuhusga ng mga kapwa katrabaho o kakulangan sa edukasyon na natapos.
Marami ng batas ang ipinatutupad na tumatalakay sa paksang pagkakapantay-pantay ng oportunidad para sa babae, lalaki at mga homosekswual. Ngunit dahil sa limitasyon sa kakayahan ng mga kababaihan tulad ng pagbubuntis, hindi pa rin maiiwasan na mas marami ang mga oportunidad na pabor sa mga kalalakihan dahil sa natural nilang lakas at kalamangan.
Isinulat ni: Reynhard Gamboa