Monday, January 15, 2018

https://www.aiga.org/achieving-gender-equality-in-design-profession
Magandang araw sa inyong lahat, mababasa niyo ngayon ang bagong blog na ito na aking ikinumpas. Sa ating kultura di talaga natin maiwasan isyu sa ating kasarian at sekswualidad. Di lang sa ating bansa o kultura maging na rin sa buong mundo, isa sa mga isyu na ito ang di-mapagkasunduang sukatan sa lakas at kakayahan sa babae at lalaki. Ang malaking problema dito ay ang pagkakapantay ng mga oportunidad para sa babae at lalaki. Tulad lang ng; mas maraming oportunidad ang mga lalaki para sa mga pisikal na trabaho kaya dito nagkakaroon ng pagka-dehado ang mga babae. Kaya marami na ring mga naganap na mga pagkilos ng mga babae, sa paraan na pag-protesta. Sa paningin ng marami, ang lalaki ang mga nakakalamang sa mga babae.


Isa pa sa nakikitang problema na maiuugnay sa di pagkapantay-pantay ng oportunidad ay ang mga bakla at tomboy o 'gay' at 'lesbian'.
Bagama't babae at lalaki ang nakasanayan nating uri ng kasarian, marami na ring nalilito o kumukwestyon ng kani-kaniyang sekswalidad. Marami sa mga 'gay' at 'lesbian' ang may abilidad na makipagsabayan sa ganitong klase ng kalakalan ngunit 'di nabibigyan ng oportunidad dahil sa panghuhusga ng mga kapwa katrabaho o kakulangan sa edukasyon na natapos.

Marami ng batas ang ipinatutupad na tumatalakay sa paksang pagkakapantay-pantay ng oportunidad para sa babae, lalaki at mga homosekswual. Ngunit dahil sa limitasyon sa kakayahan ng mga kababaihan tulad ng pagbubuntis, hindi pa rin maiiwasan na mas marami ang mga oportunidad na pabor sa mga kalalakihan dahil sa natural nilang lakas at kalamangan.

Isinulat ni: Reynhard Gamboa
Sa totoo lang, madalas kong nasasabi ang katagang "Sorry Sir, I'm late!" lalo na nung ako'y na sa ika-8 na baitang. Sobra sobra ang aking pagsi-sise na madalas ako naging huli sa pinaka-una naming klase. Alam ko na hindi lamang ako ang nakakaranas ng ganitong pangyayari.

http://943cksy.com/blogs/afternoons/2017/01/weird-excuses-for-being-late/
Mayroon akong nakitang hinaing sa isang netizen sa Facebook, at ito ang sinabi niya.


Madalas ang mga nagbigay ng kumento sa kanyang post ay mga estudyanteng pumapasok ng maaga. Hindi ako isa dun, pero nais kong magbigay ng aking mga opinyon patungkol sa kanyang Facebook post. 

Unang una sa lahat, naiintindihan ko ang kanyang opinyon. Sa totoo nga lang parang gusto ko ring mangyari ang kanyang sinasabi. Lalo't lalo ng ako ay isang estudyante ring pumapasok ng maaga. Sa kabilang dako hindi naman lahat ng estudyante ay pare-pareho ng kaisipan. Ang iba ay mas natututo kapag mas matagal sa eskuwelahan, ang iba naman ay. tulad nga ng sinabi niya, mas natututo kapag kakaunti ang oras na nagaaral sila sa kanilang paaralan.


http://www.school-clipart.com/school_clipart_images/clipart_illustration_of_a_boy_late_for_school_0527-1305-2115-5004.html

Kung ako ang tatanungin kung mas pipiliin kong pumasok ng maaga o di naman kaya pumasok ng alas nuebe ng umaga. Siguro mas pipiliin kong pumasok ng maaga, kasi ito ang ating naging kasanayan at lalong lalo na, mas tataas ang tiyansa ng pagka-cut ng classes.

Isinulat ni: Patrick Resuena
Sapagkat ang pagkilala sa katutubong karangalan at sa pantay at di-maikakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig.
Sapagkat ang pagwawalang-bahala at paglalapastangan sa mga karapatan ng tao ay nagbunga ng mga gawang di-makatao na humamak sa budhi ng sangkatauhan, at ang pagdatal ng isang daigdig na ang mga tao ay magtatamasa ng kalayaan sa pagsasalita at ng kaligtasan sa pangamba at pagdaralita ay ipinahayag na pinakamataas na mithiin ng mga karaniwang tao.
Sapagkat mahalaga, kung ang tao ay di-pipiliting manghawakan bilang huling magagawa, sa paghihimagsik laban sa paniniil at pang-aapi, na ang mga karapatan ng tao'y mapangalagaan sa pamamagitan ng paghahari ng batas.
Sapagkat mahalagang itaguyod ang pagpapaunlad ng mabuting pagsasamahan ng mga bansa. 
Artikulo galing sa http://www.amnesty.org.ph/filipino/ 


http://outlookafghanistan.net/topics.php?post_id=11969


Isa yan sa mga halimbawa na makakapagpatunay na ang kapatang pantao ay hindi masyadong maangat o nasusunod. Ang karapatang pantao ay para sa lahat ng tao hindi ito para lang sa mayaman, wala itong pinipili mayaman man o mahirap dapat lahat ay makaramdam ng karapatang pantao.

Ang karapatang pantao ay dapat masunod hindi dapat to ipagtabuyan. At hindi kakayanin ng ating pangulo ang pag aangat sa karapatang pantao kung hindi tayo tutulong. Para mas mapaangat ang ating Karapatang pantao o Human rights sa ingles kailangan natin tumulong kahit sa simpleng bagay para hindi lang mayaman ang laging panalo, ang mayaman kase kahit na alam nila sa sarili nila na sila ay mali hindi nila aaminin ito dahil alam nila na nakukuha ito sa pagbibigay ng pera sa abugado. Ang simpleng paraan na sinasabe ko ay ang pagsabe ng totoo upang ang karapatang pantao ay umangat o tumindi.

Isinulat ni: Joselle Callora

Sunday, January 14, 2018

Madaming pinoy na mahilig magbasa ng libro. Mapa-english o tagalog. Pero sa karamihan, sa internet nalang sila nag-dodownload ng pdf's o epub na libro. Kaysa sa pagbili sa bookstores o paghiram sa library.
Pero hindi ba mas maganda magbasa sa physical na aklat?

theecoguide.org



Pag sa aklat mismo, wala syamg limit sa battery power. Hindi mo kakailanganin mag-charge para lamg makapagbasa. Hindi sya nakakasakit sa mata, mai-cocollecta mo sya na physical at ma-didisplay mo. Pag-nasira ang gadget mo, hindi maaapektuhan pagbabasa mo dahil hindi naman sya nakadownload lamang. Madami pang magandang rason kung bakit mas maganda sa aklat magbasa. Pero ito nalang muna masasabi ko.

zmescience.com



Hindi ba nagsimula ang kultura ng pagsusulat sa libro? Bakit hindi nalang hanggang dito lamang? Kasi sa mga papel, mababalik-balikan natin lamang ito kung kailan gusto natin. Sa mga papel na libro tayo nagsimula, dito natin maaalala ang mga masayang alaala nating magbasa. Sa old fashioned way, maprepreserba natin ang makaluma pero magandang paraan magbasa ng mga istoryang minamahal natin.

http://techliveinfo.com/printed-books-vs-ebooks-traditional-made-trendy/


Isinulat ni: Chealsey Bonita
Kasarian at Sekswalidad, talaga bang mas nakatataas ang lalaki sa babae o isa lang ang nakakalamang?


Matagal na ang argumento sa pagitan ng dalawang panig, ngunit ano nga ba ang rason kung bakit. Ayon sa mga kababaihan, isa silang "independent" o kaya nilang magisa kahit walang kalalakihan. Ayon naman sa kalalakihan, mas makapangyarihan sila kumpara sa mga kababaihan, na alam naman nating totoo dahil kilala ang mga lalaki sa ibat ibang larangan ng paligsahan, pero magpapahuli ba ang mga kababaihan?

Kung may football, basketball, atbp. sa kalalakihan meron rin ang mga kababaihan. Equality between genders, sinasabi nga ng iba, pero bakit marami ang tumatanggi? Dahil ang iba ay di tanggap ang pagkapantay-pantay ng dalawang kasarian, dahil iniisip nila na mas nakakalamang sila.

Ayon sa mga eksperto sa panig ng kababaihan, isa silang malakas at "independent" na "woman" dahil naniniwala sila na mas nakakalamang ang kababaihan kumpara sa kalalakihan.

Ayon naman sa kabilang panig, ang kalalakihan, ang mga babae ay karapat-dapat sa kusina at hindi nila kaya ang gawain ng mga lalaki.

Kung ako ang tatanungin, ang lalaki ang nakakalamang, bakit? Dahil lalaki ako.

By: Cedric Cardenas

Saturday, January 13, 2018

Ang bantaan ng usa at ng north korea sa isat isa na magpaputok ng nuclear bomb ay umani ng takot sa mga mamamayang naninirahan dito. Ang nuclear bomb ay isang uri ng pampasabog na ginagamit upang makapangwasak ng isang malaking lugar, pwde ring itong makapatay ng tao dahil sa pagsabog at sa thermal radiation.
And dalawang pangulo ng nasabing mga bansa ay kulang sa karanasan manuno. Nagbabantaan sila sa social media na para bang laruan lang ang kanilang gagamitin sa pananakot.Nagpapalakasan sila gamit ang verbal para lang sa wala. Ang hindi nila alam isang maling galawa nila ay maaring magdulot ng kamatayan sa kanilang mga tao.

Nababahala na ang mga taong nakapaloob sa mga bansang usa at north korea sapagkat sila ang unang tatamaan kapag natuloy ang mga bantang pagpapasabog ng nuclear bomb.

Sa aking palagay, dapat maging responsable ang mga pangulo sa kanilang desisyon dahil nakapasan ang kanilang bansa saa kanila. Isang maling kilos lang ay maryoong negatibong mangyayari. Laging tatandaan walang panalo sa digmaan



Isinulat ni: Rainier Hatol

Friday, January 12, 2018

Alamin natin ang modernong pamamaraan ng pag papakita ng sining dito saatin, ano kaya ang pagkakaiba ng sining noon sa sining natin ngayon. Iyan ang isang bagay na inyong malalaman.

Noong mga unang panahon yung mga pagguhit, pagpipinta, paglilok ay hindi hiwalay sa pangaraw araw na kabuhayan natin kaya dun natin makikitang nakapinta at nakaukit yan sa mga Bangka at bahay. Parti siya ng ginagamit sa pangaraw araw, hindi tulad ngayon nang dumating ang impluwensya ng mga Europang sining, nang mas binbigayan ng pansin ang konsepto ng sining kung kaya’t hiniwalay na siya dun sa pang araw araw na gamit. Kaya nilalagay ito bilang disenyo sa kuwarto, sala, at iba pa.


Ang skultura ay hinid na parte ng mga ginagamit katulad sa Bangka o sa bahay kundi hiniwalay na siya ng pag papakita ng sining na likha ng artist sa panahon natin nayon. Ngayon kahit ordinaryng tao makikita nila yung mga ginagawa nila sa mga guhit at pinta ng mga artist. Kaya puwede guamawa ng landscape at puwede ng makakita ng pangaraw araw sa paligid, samantala nung araw hnidi pupuwede yun. Dahil ikinakailangan lamang ay ang pinipinta mo ay tungkol lamang sa mga metolohiya o tungkol sa buhay ng hari Kaya medyo magkaiba. Ngayon mas lamang ang individual expression kaya't masasabi nating mas mayroon siyang kakayahan ipakita ang kaniyang freedom of expression, dito ay mas malaya ang isisp mo na kahit ano ay puwede.
                             



Ngayon tayo ay mas nabibigyan ng pagkakataong makapag isip ng malawakan at mas nagiging maparaan sa pag hahanap o paghahalungkat ng mga iba ibang bagay na maaring gamitin upang maka gawa ng sining. Katulad nalang ng basura na ginawang modelo ng isang artist o bagong klase ng pag pipinta at pag guhit, Nasasaiyo ang pag dala ng sining dahil hinid na kailangan pang piliin ng utak mo ang dapat mong gawin.

Malaki ang nagagawa ng sining satin kaya naman sa paglipas ng panahon ay patuloy ang pagtuklas nila ng makabagong pamamaraan para sa iba’t ibang larangan ng sining gaya nalang ng paggamit ng iba’t ibang gadjet at iba pa.









Narito ang iba sa aking mga sining:




Isinulat Ni: Kyla Loreto